Inilunsad noong September 6, 2016 ng DILG ang LGU P4 (Local Public-Private Partnership for the People). Ito ay naglalayon na ibaba at pag-ibayuhin ang lokal na implementasyon ng Public-Private Partnership o PPP sa pamamagitan ng kolaborasyon ng mga local governments at pribadong sektor bilang tugan sa mga pinansyal at teknikal na limitasyon na kinakaharap ng mga LGUs. Ang kolaborasyong ito, sa pamamagitan ng mga programa at proyekto, ay para sa mas maunlad na serbisyong imprastraktura at matugunan ang iba't ibang pangangailang lokal tungo sa paglago ng ekonomiya ng mga LGUs at ng ating bansa.
Ating alamin sa infographics na ito kung ano ang mga layunin ng LGU P4 at ang mga hakbang tungo sa implementasyon nito sa mga LGUs.
Ang infographics na ito ay handog ng partnership ng DILG, Union of Local Authorities of the Philippines (ULAP), at United Nations RePubliKo campaign.