Bilang mamamayan, alam niyo bang pwedeng makilahok sa lokal na pagplano sa inyong komunidad? Lahat ng lokal na pamahalaan ay sumasailalim sa tinatawag na "local planning process". Parte nito ang pagbuo ng Local Development Plan na inihahanda ng mga lokal na council na binubuo ng mga representatives mula sa iba't ibang sektor. Alamin kung paano makibahagi at kung ano ang proseso sa infographics na ito.
Ito ay handog ng ULAP, Department of the Interior and Local Government (DILG) at UN RePubLiko Campaign.