ulap logo mobile

Alam niyo bang lahat ng LGUs at mga inihalal na lokal na opisyal ay bumubuo ng iba't ibang grupong tinatawag na liga o "league"? Ang mga liga na ito ang tumatayong national representatives nila sa pagtataguyod ng lokal na agenda. Ang ULAP naman ang nagsisilbing tagabuklod ng mga ito bilang umbrella organization. Kilalanin pa ang ULAP at ang mga miyembrong liga, at ang kanilang mga tungkulin sa infographics na ito.

Ito ay handog ng ULAP, Department of the Interior and Local Government (DILG) at UN RePubLiko Campaign.

Bilang mamamayan, alam niyo bang pwedeng makilahok sa lokal na pagplano sa inyong komunidad? Lahat ng lokal na pamahalaan ay sumasailalim sa tinatawag na "local planning process". Parte nito ang pagbuo ng Local Development Plan na inihahanda ng mga lokal na council na binubuo ng mga representatives mula sa iba't ibang sektor. Alamin kung paano makibahagi at kung ano ang proseso sa infographics na ito.

Ito ay handog ng ULAP, Department of the Interior and Local Government (DILG) at UN RePubLiko Campaign.

 

Ang Public Financial Management ay ang pangkalahatang framework na dapat sundin sa paglalaan ng pondo at pamamahala sa lahat ng gastusin ng pamahalaan. Para sa ating mga LGU, mahalaga ang sistemang ito sa patuloy na pagtataguyod ng mabuti at tapat na pamamahala sa lokalidad. Alamin pa ang PFM at ang kahalagahan nito sa infographics na ito.

Ito ay hatid ng partnership ng ULAP, Department of the Interior and Local Government, and UN RePubLiko Campaign.

Alam niyo bang ang bawat LGU ay sumasailalim din sa tinatawag na government budget process, gaya ng ginagawa sa national government? Paano ang prosesong ito? Basahin sa infographics na ito nang malaman kung paano inilalaan ng ating pamahalaan ang ating pondo sa iba't ibang serbisyo.

Ito ay handog ng partnership ng ULAP, Department of the Interior and Local Government, at UN RePubLiko Campaign.

Anu-ano nga ba ang mga suportang pwedeng ma-access ng mga LGU mula sa national government? Anu-ano ang mga ahensyang pwedeng lapitan para sa iba’t ibang funding support mechanisms na makatutulong sa ating mga lokal na pamahalaan? Alamin sa infographics na ito ang mga ayudang ito para sa mga LGU sa kanilang paghahatid ng serbisyo at pangangailangan ng mga constituent.

Ito ay handog ng partnership ng DILG, Union of Local Authorities of the Philippines (ULAP), at United Nations RePubliKo campaign.

Alam niyo bang ang pondo ng mga lokal na pamahalaan ay hindi lamang nanggagaling sa kanilang sariling nalilikom sa lokalidad? Bukod sa locally sourced income, bahagi ng Annual Regular Income (ARI) ng mga LGU ang mga pondo na galing sa national government. Alamin kung ano ano ang mga ito sa infographics na ito.

Ito ay handog ng partnership ng DILG, Union of Local Authorities of the Philippines (ULAP), at United Nations RePubliKo campaign.